1. Home
  2. Sining
  3. Mga Sikat

Canadian na manunulat Alice Munro pumanaw sa edad 92

Napanalunan ni Munro ang Nobel Prize in Literature noong 2013

Alice Munro nakaupo.

Canadian manunulat na si Alice Munro noong 2013 (archives).

Litrato: The Canadian Press / Chad Hipolito

RCI

Si Alice Munro, isang Canadian author na kilala sa buong mundo dahil sa pagiging master ng maikling kuwento at pagkapanalo ng Nobel Prize in Literature, ay namatay sa edad na 92.

Sinabi ng kanyang publisher na namatay si Munro sa kanyang tahanan sa Port Hope, Ont., noong Lunes ng gabi.

Alice Munro is a national treasure — a writer of enormous depth, empathy, and humanity whose work is read, admired, and cherished by readers throughout Canada and around the world, ayon sa pahayag ni Kristin Cochrane, CEO ng McClelland & Stewart, na pagmamay-ari ng Penguin Random House Canada.

Alice's writing inspired countless writers too, and her work leaves an indelible mark on our literary landscape.

Si Munro ay ipinanganak na Alice Laidlaw sa Wingham, Ont., noong Hulyo 10, 1931. Siya ang panganay na anak nina Robert at Anne Laidlaw, at lumaki sa inilarawan niya na humihinang negosyo ng fox at mink farm. Siya ay nagsimulang magsulat ng mga maikling kuwento noong siya ay tinedyer pa lamang, at ang kanyang unang inilathala na istorya, The Dimensions of a Shadow, ay nabasa sa undergraduate creative writing magazine ng University of Western Ontario, ang Folio, noong tagsibol ng 1950.

Kinalaunan dineboto niya ang kanyang karera sa mapanghamon na short story medium dahil, bilang isang babae na may tatlong anak, hindi siya naniniwala na mayroon siyang oras para makumpleto ang isang nobela. Iniisip niya ang kanyang mga istorya kapag natutulog ang mga anak.

Nagsulat siya ng 14 acclaimed collections, kung saan pinagsama ang ordinaryong mga tao sa hindi ordinaryong mga tema — pagkababae, pagtatalik, restlessness, pagtanda — para magdebelop ng komplikadong mga karakter na may nuance at depth na makikita lamang ng mga manunulat sa mas malawak na confines ng isang nobela.

Napanalunan ni Munro ang Nobel Prize in Literature noong 2013. Inanunsyo ang award sa Stockholm, pinuri ng Swedish Academy, noong panahon na iyon ay 82 pa lang, bilang master of the contemporary short story.

Bukod sa Nobel Prize, marami pang napanalunan na parangal si Munro, kasama ang tatlong Governor General's Literary Awards, dalawang Giller Prizes at ang Man Booker International Prize.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita