1. Home
  2. Isport
  3. Soccer

Canada nangako ng $104M para tulungan ang Toronto i-host ang 2026 World Cup games

Ang tinatayang gastos sa pag-host ng international competition ay lumobo sa $380M

Ang field ng BMO.

Nakatakdang i-host ng Toronto ang anim na World Cup 2026 games sa BMO field.

Litrato: La Presse canadienne / Christopher Katsarov

RCI

Sinabi ng pederal na gobyerno ng Canada na magbibigay ito ng $104 milyon para tulungan ang Toronto na i-host ang anim na match sa 2026 FIFA World Cup.

Ang pondo para sa capital at operational expenses ay inanunsyo Biyernes ng umaga sa BMO field ng Toronto, kung saan magaganap ang mga match.

Today is a great day to be a soccer fan in the city of Toronto, ani Mayor Olivia Chow.

Tinataya ng Toronto na ang kanilang bahagi sa pagho-host ng elite international soccer competition ay magkakahalaga ng $380 milyon, tumaas ng $80 milyon kumpara sa 2022 forecast.

Inanunsyo kamakailan ni Chow ang bagong oversight at advisory groups na tutulong upang paghandaan ang pamahal nang pamahal na event.

Humigit-kumulang a third ng kabuuang expense ay mapupunta sa policing at security, ayon kay Chow, habang ang malaking bahagi ng capital costs ay ilalaan para sa dagdag na panandaliang seating sa BMO field at para sa paggawa ng isang outdoor fan centre kung saan mapapanood ng spectators ang matches sa mga telebisyon.

Nangako na ang probinsyal na gobyerno ng $97 milyon na pondo noong Pebrero. Ang siyudad ay mag-aambag ng $170 milyon, ani Chow.

Umaasa ang siyudad na ang World Cup ay lilikha ng higit 3,500 na trabaho, aakit ng 300,000 na out-of-town visitors at mag-generate ng humigit-kumulang $393 milyon na gross domestic product para sa Toronto at $456 milyon na GDP para sa Ontario.

Ang Vancouver ay magho-host din ng games sa elite international soccer competition, na hino-host ng Canada kasama ang Estados Unidos at Mexico. Inanunsyo ng mga opisyal noong Martes na ang pag-host ng pitong World Cup games sa BC Place Stadium ay magkakahalaga ng $581 milyon, higit doble ng estimate mula sa nakalipas na dalawang taon.

Ang pederal na gobyerno nangako na magbibigay ng $116 milyon na pondo para sa matches sa Vancouver.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula sa The Canadian Press

Mga Ulo ng Balita