1. Home
  2. Politika
  3. Mga Politikal na Krisis

Pro-Palestinian at pro-Israel na mga demonstrador nagharap sa McGill

Sinabi ng premier ng Quebec na dapat buwagin ng pulisya ang kampo

Mga pro-Palestinian at pro-Israel protesters sa kampus ng McGill.

Nagharap ang dalawang grupo sa McGill University sa Montreal, Quebec sa Day 6 ng pro-Palestinian encampment.

Litrato: Radio-Canada / Ivanoh Demers

RCI

Nagharap ang pro-Palestinian at pro-Israel na mga demonstrador sa labas ng McGill University sa downtown Montreal kahapon, habang ang isang pro-Palestinian na kampo na itinayo noong Sabado ay nanatili sa kampus.

Ang mga estudyante sa kampo dinemanda na lumayo ang McGill mula sa mga kompanya na may business ties sa Israel.

Isa namang pro-Israel na protesta ang inorganisa bilang tugon sa encampment noong Huwebes, iwinagayway ang mga bandila ng Israel at hawak ng mga demonstrador ang mga sign na nagsasabing Pakawalan ang mga hostage at Ibalik sila sa kanilang tahanan ngayon.

Pinatugtog ang musika sa Hebrew at nag-set up ng malaking screen sa harap ng kampus, kung saan pinalabas nila ang mga interbyu mula sa mga kababaihan na nagsabi na nakaranas sila ng sekswal na karahasan sa kamay ng mga Hamas noong Oktubre 7.

Sa kabilang dako ng police line at campus fence, isang linya ng pro-Palestinian na mga demonstrador, marami sa kanila mga miyembro ng advocacy group na Independent Jewish Voices, ang nag-chant ng mga slogan kasama ang Mga Hudyo laban sa genocide at Sa aming lifetime, makikita natin na mamumuhay ng malaya ang Palestinians.

Basahin ang tungkol sa encampment dito (bagong window).

Kaugnay na mga ulat

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita